Pinabulaanan ng liderato ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army ang alegasyong pekeng pagpapasuko sa mga miyembro ng New Peoples Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Brig. General Lawrence Mina, commanding officer ng 502nd IB na dumaan sa proseso ang kabuuang 76 na rebeldeng sumuko sa kanila.

Ayon kay Mina, may record ang mga ito hinggil sa kanilang pagsuko, kabilang na ang kanilang mga baril.

Sa naturang bilang, limampu sa mga ito ang napagkalooban ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno, bagamat kulang pa sa usapin ng pabahay.

Dito ay nakapaloob ang mga livelihood assistance gaya mga pagsasanay at panimulang puhunan upang magkaroon ng maayos na pagkakakitaan.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Mina na makakakuha rin ng benepisyo ang mga sumukong miyembro ng militia ng bayan.