Nagsagawa ng apat na araw na familiarization trip para sa Across Sunsets Tourism Circuit ang Department of Tourism (DOT) Region 2 sa iba’t ibang munisipalidad ng Cagayan.

Ayon kay Troy Alexander Miano, Regional Director ng DOT Region 2, pangunahing layunin ng pamunuan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na nakabalangkas sa National Tourism Development Plan 2023-2028, partikular na nakatuon sa pagkakapantay-pantay ng pag-unlad at promosyon ng produkto ng turismo, ang pagkakaiba-iba ng portfolio sa pamamagitan ng multidimensional na turismo, at ang pagpapalakas ng pamamahala sa turismo sa pamamagitan ng malapit na pakikipagtulungan sa mga pambansa at lokal na stakeholder.

Naglalayong i-highlight ng inisyatiba na ito ang mga natatanging attraction at kultural na pamana ng bawat munisipalidad sa loob ng circuit.

Ilan sa mga pinuntahan ng DOT ay bayan ng Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez Mira, Claveria, at Santa Praxedes .

Pagkatapos aniya ng aktibidad ay gagawin itong brochure na naglalaman ng mga karagdagang impormasyon sa mga pasyalan upang hindi na mawala pa.

-- ADVERTISEMENT --