Umabot na sa 33,300 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi sa mga naapektuhan ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Teranova.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ilan sa mga nabigyan na nila ay ang mga mangingisda sa probinsya ng Cavite at probinsya ng Bataan.

Maliban pa sa mga food packs ay tiniyak din ng ahenisya na mayroon pang mga naka-preposisyon sa mga lokal na pamahalaan na nakahandang ipamahagi sa mga biktima.

Samantala nagbigay rin ng tulong ang mga lokal na pamahlaaan at ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).