Inihayag ng China na matagumpay umano na nag-takeoff ang kanilang lunar probe para simulan ang paglalakbay pabalik ng mundo dala ang kauna-unahan na nakolekta nitong samples.

Ayon sa state media, ang module ng Chang’e-6 craft na ipinangalan sa moon goddess sa Chinese mythology ay matagumpay na umangat para sa paglalakbay nito pabalik ng mundo.

Lumapag ang craft nitong Linggo malapit sa south pole ng buwan sa kauna-unahan na tagumpay na ipinagdiwang ng international science community.

Tanging ang China ang nakagawa nito sa malayong bahagi ng buwan.

Tinawag ng Chinese National Space Administration ang nasabing misyon na ”unprecedented feat in human lunar exploration”.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing bahagi ng buwan na laging humaharap palayo sa mundo ay napakahirap na maabot dahil sa lubak-lubak na terrain at malalim na craters.

Layon ng misyon ng China na maging kauna-unahan na mag-uuwi sa mundo ng rock at soil samples mula sa nasabing rehion, na ayon sa mga scientists ay malayong iba sa rock formations sa near side ng buwan.

Nakatakdang bumalik ang buong probe sa loob ng tatlong linggo sa landing site sa Inner Mongolia.

Ang mga scientists ng China ang unang magsasagawa ng pagsusuri sa mga bato bago bibigyan ng pagkakataon ang iba pang researchers sa buong mundo.