TUGUEGARAO CITY-Tanggap na umano ng mga magsasaka sa Cagayan ang farm mechanization o ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Ayon kay Danilo Benitez, Special Assistant for Agriculture ng Office of the Provincial Agriculture (OPA) , gumagamit na umano ng teknolohiya ang mga magsasaka sa probinsiya lalo na sa pag-aani ng palay.

Aniya, nakatulong umano ang farm mechanization upang mapababa ang production cost sa probinsiya.

Dahil dito, mas lalo umanong paiigtingin ng ahensiya ang information dissemination sa paggamit ng teknolohiya para mas mataas pa ang production ng mga ito.

Samantala, tinutulungan narin umano ng OPA ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa National Food Authority (NFA) Cagayan para maibenta sa mas mataas na halaga ang kanilang mga ani.

-- ADVERTISEMENT --

Ito’y dahil sa patuloy na pagdaing ng mga magsasaka sa OPA sa mababang pagbili ng palay ng mga traders.

Hiniling rin ng OPA sa NFA na dagdagan ang buying center sa probinsiya upang mabili ang ani ng mga magsasaka dahil sa ngayon ay kakaunti pa lamang ang kanilang buying center.

Sa ngayon, sinabi ni Benitez na nananatiling P20.04 ang pagbili ng NFA sa kada-kilo ng palay.