TUGUEGARAO CITY-Binatikos ng Farmer’s Advisory Board of the Philippines ang umano’y kulang na pagtutok ng pamahalaan sa sektor ng Agrikultura.
Ito ay dahil sa mababang budget ng bansa na inilaan sa agrikultura ngayong taon na nagkakahalaga ng P62.2 Milyon pondo.
Ayon kay Edwin Paraluman, chairman ng Farmer’s advisory board,halatang iba ang focus ng pamahalaan dahil kakaunti ang ipinopondo sa agrikultura.
Aniya, mas lalong magkukulang ang ibibigay na tulong sa mga magsasaka dahil sa mababang pondo na inilaan sa sektor ng Agrikultura.
Dahil dito, umapela si paralamun sa pamahalaan na taasan ang budget para makayanan ng kagawaran ng pagsasaka ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka.
Sinabi ni Paraluman na malaki ang pagkalugi ng mga magsasaka sa kanilang palayan dahil sa mababang pagbili ng kanilang aning palay sakabila ng pagtaas na presyo ng abono at iba pang fertilizer.