Patuloy na hinagangaan ang mga gawang obra ng isang fashion illustrator dahil sa kanyang mga digital artworks na sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyon ng probinsiya ng Cagayan.

Tampok sa obra ang mga digital creative illustration costume ng bawat 28 munisipalidad at isang syudad sa lalawigan na hango sa kanilang kultura at tradisyon.

Sa panayam kay Dominique Brandes mula Cattaggaman Viejo, Tugeuagarao City, ibinahagi niya na nagumpisa siya sa pagda-drawing noong nasa grade 3 pa lamang ito at nitong pandemya ay sinimulan niya ang digital.

Aniya, isa sa kasamahan niya sa grupo ng mga fashion illustrator sa bansa ang gumawa ng naturang klaseng artwork kung kaya naisip niya na gawin din ito para sa Cagayan bilang tribute sa Aggao Nac Cagayan ngayong taon.

Sa paggawa ng artwork, sinabi ni Brandes na mahirap at kailangan niya pang mag-research para maipakita ang tamang kultura at tradisyon sa bawat bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Brandes ang Pavvurulun Afi Festival ng Tuguegarao City para sa gagawin niyang illustration.