TUGUEGARAO CITY-Labis ang pasasalamat ni Father Gary Agcaoili, Parish Priest ng Saint Vincent Ferrer Parish Church sa bayan ng Solana sa natanggap na 200 sako ng bigas na bigay ng Bombo Radyo Philippines Foundation Inc.para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ayon kay Father Agcaoili, malaking tulong ang natanggap na sako-sakong bigas para sa lahat ng mga nasalanta ng malawakang pagbaha.

Aniya, nasa 53,377 na katao ang bilang ng mga nasalanta ng pagbaha sa bayan ng Solana kung kaya’t 80 mula sa 200 sako ng bigas ang mapupunta sa mga residente na nasalanta sa naturang bayan.

Tig-40 sako ng bigas naman ang ibinahagi sa Our Lady of Snows Parish sa bayan ng Enrile, Padre de Pio Parish sa Alcala at parokya ng Saint Vincent Ferrer Cordova sa Western Amulung.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Father Agcaoili na agad nilang tatapusin ang pag-rerepack ngayong araw katuwang ang mga kabataan sa naturang bayan para agad na maipamigay ang mga bigas sa mga residente.

Tig-limang kilo ng bigas ang matatanggap ng bawat pamilyang benipisaryo na malaking tulong para sa kanila matapos ang naranasang malawakang pagbaha.

Tinig ni Father Gary Agcaoili