Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko na maging maingat sa pagbili ng over-the-counter (OTC) na mga gamot.

Ito ay matapos na madiskubre ang mga pekeng mga gamot na madalas na bilhin na gawa ng local pharmaceutical company.

Sa dalawang advisories, sinabo ni FDA Director General Samuel Zacate na natuklasan nila ang pekeng Kremil S, Alaxan FR, Biogesic, Medicol Advance, Bioflu at Tuseran Forte.

Binigyan diin ni Zacate na ang pagbebenta ng mga pekeng gamot ay may kaakibat na parusa sa ilalim ng Republic Act No. 9711, o ang FDA Act of 2009, at RA 8203, o ang Special Law on Counterfeit Drugs.

Maaaring makulong ng ang mapapatunayan na nag-iingat at nagbebenta ng mga pekeng gamot.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala din ang pharmacuetical company laban sa mga pekeng gamot at vitamins dahil posibleng naglalaman ang mga ito ng mapanganib na sangkap tulad ng chalk, cornstarch, harina, pollen, rat poison, arsenic o semento.