Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa pagkalat at pagbebenta ng pekeng tirzepatide o “tirze” na umano’y ginagamit bilang gamot pampapayat.

Ayon sa FDA, delikado sa kalusugan ang paggamit ng mga hindi rehistradong injectable products lalo na kung hindi dumaan sa masusing pagsusuri para sa kaligtasan, bisa, at kalidad ng gamot.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na tiyaking rehistrado sa FDA ang mga gamot gamit ang kanilang verification portal at iwasang bumili online ng injectable medicines.

Binigyang-diin ng FDA na ang tirzepatide ay orihinal na gamot para sa diabetes at kinakailangan ng payo ng doktor, laboratory tests, at tamang medical clearance bago ito magamit para sa weight loss.

Dagdag pa ng FDA, tanging mga lehitimong botika at establisyimentong may lisensya lamang ang dapat pagbilhan ng mga gamot.

-- ADVERTISEMENT --