Tumutulong na ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga hakbangin ng Department of Agriculture (DA) – Bureau of Animal Industry (BAI) para maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever at Avian Influenza.

Partikular ang paghahanda ng mga bakuna para hindi na kumalat ang naturang sakit sa mga hayop.

Kabilang sa tinututukan ng FDA at DA ang pork at poultry industries para matiyak ang sapat na supply ng karne sa bansa.

Nagsasagawa na ang FDA ng evaluation sa mga bakunang gagamitin sa mga baboy at manok para makontrol ang pagkalat ng sakit.