Tuguegarao City- Suspindido ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Tuguegarao City sa darating na Pebrero 17-21 ngayong taon
Ito ay sa bisa ng Executive Order no. 8 ni Mayor Jefferson Soriano para sa gaganaping National Schools Press Conference (NSPC) sa lungsod.
Inaasahan naman na dadaluhan ng nasa 7,000 na mga delegado mula sa iba’t-ibang paaralan sa bansa ang naturang aktibidad.
Kaugnay nito, layon pa ng Executive Order no. 08 na panatilihin ang kaayusan sa daloy ng trapiko maging ang kaligtasan ng mga bisita sa gaganaping NSPC sa lungsod.
-- ADVERTISEMENT --