TUGUEGARAO CITY- Inspirasyon umano ng mga federalism advocates ang mga bayaning sina Andres Bonifacio at Jose Rizal sa kanilang pagpupursigi na na isulong ang pederalismo sa bansa.

Sinabi ni Ding Generoso, dating spokesman ng Consultative Committee na bagamat walang katiyakan kung papayagan ang pederalismo sa ating bansa ay tuloy pa rin ang kanilang kampanya para dito.

Ayon sa kanya, tulad nina Bonifacio at Rizal na hindi sumuko para ipaglaban ang ating kasarinlan at ipamulat ang mga hindi magandang ginagawa ng mga Español ay ganito rin ang kanilang gagawin.

Naniniwala si Generoso na makakatulong ang federalism upang mabawasan kung hindi man tuluyang matigil ang mga katiwalian sa pamahalaan

Sa ngayon ay umaabot na rin umano sa 2,000 hanggang 3,000 advocate ang kanilang sinasanay sa bawat rehion na sila ang nagpapaliwanag sa lahat ng sektor ukol sa pederalismo sa mga seminar, forum at workshop.

-- ADVERTISEMENT --