May binabalangkas na ang Fertilizer and Pesticides Authority (FPA) na mga pagbabago sa umiiral na batas na PD 1144 na naglalayong maiwasan ang unlawful sale and use of fertilizers, pesticides and other agricultural chemicals na kanilang isusumite sa Kongreso.

Sinabi ni Leonardo Bangad, regional manager ng FPA Region 2 na ito ay bunsod ng patuloy na pagbebenta ng ilang indibidual ng mga pekeng pesticides at fertilizers.

Ayon kay Bangad, na kailangan na gawing mas mabigat ang parusa ng mga sangkot sa bentahan ng mga pekeng fertilizers at pesticides upang matigil na ang ganitong gawain.

Ipinaliwanag niya na magmumulta lang ang mahuhuli na nagbebenta ng mga peke o hindi rehistradong mga fertilizers at pesticides, depende kung ilan ang nakuha sa kanila.

Inihalimbawa ni Bangad ang suspect na nag-plead guilty na nagbayad ng kaukulang danyos matapos na makuhanan ng 300 bags ng hindi rehistrado sa kanilang tanggapan ng FPA abono at pesticides.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Bangad na nasa pag-iingat ng Criminal Investigation and Detection Group para kaukulang disposisyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Bangad na kasalukuyan na ang paggulong ng kaso ng isa pang sangkot sa nasabing iligal na aktibidad sa Nueva Vizcaya.

Kasabay nito, sinabi ni Bangad na patuloy ang kanilang ginagawang operasyon laban sa mga nagbebenta ng mga unregistered pesticides at abono.

Ayon kay Bangad, mag-ingat din ang mga magsasaka sa pagbili ng mga nasabing produkto online, dahil may isang kaso na may nabili ang isang magsasaka online na para sa mga damo, subalit, hindi ito naging epektibo.