Yumukod si Filipina boxer Aira Villegas sa boksingero ng Turkiye na si Buse Naz Cakiroglu sa women’s 50kg boxing semifinals sa Paris Olympics.
Dahil dito, nagtapos si Villegas sa bronze medal, kung saan siya ang ikalawang Filipino na makakuha ng podium finish.
Si Cakiroglu, ang unang babaeng Olympic medalist sa boxing ay abanse na sa final laban kay Wu Yu ng China.
Dinomina ni Cakiroglu ang laban at nakuha ang scorecards ng lahat ng judges.
Sa unang round ay nagpakawala na kombinasyon si Cakiroglu sa ulo ni Villegas at nagkaroon ng standing count.
Gumanti naman si Villegas sa second round, at nagkaroon naman siya ng mga patama sa third round, subalit naging accurate ang mga suntok ni Cakiroglu.
Dahil dito, mayroon ng dalawang gold medals mula kay Carlos Yulo at isang bronze.
Sisikapin naman ni Nesthy Petecio na masungkit kahit ang silver medal sa semifinals sa women’s 57kg division sa Biyernes laban kay Julia Szeremeta ng Poland.