Doble ang saya ni Filipina boxer Aira Villegas matapos na sumabay sa kanyang panalo laban sa boksingero ng Algeria sa Paris Olympics ang kanyang ika-29 na kaarawan ngayong araw na ito.

Dahil dito, pasok na siya sa women’s 50kg quarterfinals matapos na talunin niya si Roumaysa Boualam.

Sinabi ni Villegas na ito na ang pinakamaganda at pinakamagaling na regalo niya sa kanyang sarili.

Ayon pa sa kanya, hindi niya ito makakalimutan habang buhay.

Gayonman, hindi magiging madali para kay Villegas na makapasok sa semifinals dahil sa makakaharap niya ang magaling na si Wassila Lkhadiri of France na nakakuha ng bronze sa nakalipas na IBA Women’s World Boxing Championships.

-- ADVERTISEMENT --

Nakarating sa quarterfinals si Lkhadiri matapos ang 3-1 victory sa boksingero ng Ireland.

Samantala, humahabol din sa medalya sa boxing sina Neshy Petecio sa women’s 57kg at Carlo Paalam men’s 57kg.