Patay ang isang Filipina matapos na salpukin ng isang nakaw na SUV sa San Fernando Valley, Los Angeles, California.
Ang suspect, 40 years old na minamaneho ang nakaw na Mercedes SUV, ay tumatakas mula sa mga pulis nang mabangga nito ang puting Tesla na minamaneho ng biktima, na kinilala ng Los Angeles Medical Examiner na si Christina David, 46 years old.
Naging malakas ang impact, kung saan ay nasira ang bubong ng sasakyan ng biktima.
Nagbunsod din ito para mabangga ng biktima ang dalawa pang sasakyan, na nagresulta sa pagkasugat ng mga driver at pasahero.
Dead on the spot, ayon sa report ng medical examiner.
-- ADVERTISEMENT --
Nahuli ang suspect, na ang hindi pa inilalabas ang pangalan, ay nagtamo ng lamang ng minor injuries.