Makakaharap ng Philippine Women’s National Football Team o Filipinas ang North Korea, South Korea at China sa AFC Qualifiers para sa 2028 Los Angeles Olympics na magsisimula sa Abril 2027.

Tanging koponang magtatapos sa unang puwesto sa kanilang grupo ang direktang makakakuha ng tiket sa Olympics. Ang dalawang pinakamahusay na second-placer naman ay sasabak sa playoff, kung saan haharap ang mananalo sa kinatawan ng South America na Argentina.

Unang makakaharap ng Filipinas ang North Korea bago ang laban kontra China sa Abril. Dalawang beses naman nilang makakaharap ang South Korea sa Oktubre, bago muling harapin ang North Korea at China sa huling window ng Nobyembre hanggang unang bahagi ng Disyembre.

Makakasama naman sa kabilang grupo ang Japan, Australia, Chinese Taipei at Uzbekistan.

Bukod sa Olympic qualifiers, nakatakda ring lumahok ang Filipinas sa FIFA Women’s World Cup sa Hulyo 2027.

-- ADVERTISEMENT --