Inihayag ng Pentagon na isang Filipino American ang kabilang sa anim na namatay na sundalo ng Amerika sa drone strike sa command center sa Kuwait.

Sinabi ng Pentagon na nasa lugar si Chief Warrant Officer Robert Marzan nang tumama ang drone strike sa command center sa Kuwait noong Linggo.

Inilarawan siya ng kanyang kapatid na babae na isang matapang na lider at mapagmahal na asawa, ama, at kapatid.

Nagpahatid naman ng kanyang pakikidalamhati si California Governor Gavin Newsome sa asawa ni Marzan at sa kanyang pamilya.

Ayon sa kanya, mananatili sa half-staff ang bandila sa kanilang kapitolyo bilang pagkilala kay Marzan.

-- ADVERTISEMENT --

Si Marzan, 54 anyos ay mula sa Sacramento, California.

Nakatalaga siya sa 103rd Sustainment Command, na nagbibigay ng pagkain, krudo, tubig, mga bala, transport equipment at supplies.