Pinatawan ng isang taon na ban si John Riel Casimero ng Japan ng Japanese Boxing Commission matapos na mabigo na maabot ang timbang bago ang kanyang super bantamweight bout laban kay Saul Sanchez sa Yokohama, Japan.

Sobra sa 2 pounds ang 35-year-old na si Casimero sa 122-pound limit sa kanyang unang attempt sa timbangan bago ang kanyang 123 1/4 lbs sa kanyang huling attempt.

Natalo ni Casimero si Sanchez, isang dating title contender sa pamamagitan ng first-round-stoppage, na magreresulta sana ng pagbubukas ng mas malalaking laban kung hindi dahil sa iba pang weight issue.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaproblema si Casimero sa kanyang timbang.

Noong December 2021, hindi nagpakita si Casimero sa official weigh-in bago ang kanyang mandatory title defense laban kay Paul Butler sa Dubai, na sinabi niya na dinala siya sa ospital dahil sa viral gastritis.

-- ADVERTISEMENT --

Inilipat ang laban noong April 2022 subalit hindi pinayagan si Casimero na lumaban matapos na hindi siya sumunod sa mahigpit na medical policy ng British Boxing Board on Control sa paggamit niya ng sauna para mabawasan ang kanyang timbang bago ang laban.

Dahil dito, tinanggalan siya ng WBO crown.

Noong Linggo, muli niyang hinamon si Japanese superstar Naoya Inoue kasunod ng kanyang TKO na panalo laban kay Sanchez.

Maglalaban sana sina Casimero at Inoue noong April 2020, subalit hindi ito natuloy dahil sa Covid-19 pandemic.

Subalit, tila malabo nang mangyari ang nasabing laban dahil sa isa pang problema sa timbang ni Casimero.