Umalingawngaw ang pagbabalik sa ring ni dating three-division world champion John Riel “Quadro Alas” Casimero, at tinapos ang isang taon na break matapos ang first-round technical knockout na panalo laban kay American Saul Sanchez ngayong araw na ito sa Yokohama, Japan.

Tinapos ni Casimero ang mga pagdududa tungkol sa kanyang kalusugan dahil sa mahabang pagpapahinga sa nasabing sport.

Ang huling laban niya ay noong October 2023, at marami ang bumatikos sa kanya matapos na overweight siya sa official weigh-in, kaya napilitan siya na magbawas ng timbang bago ang 10-rounder bout.

Tinapos ni Casimero ang laban sa pamamagitan ng isang mabilis na left hook sa unang round.

Nagpakitang gilas si Sanchez matapos ang ilang malalakas na suntok, subalit napatigil siya ni Casimero sa isang solidong left hook.

-- ADVERTISEMENT --

Nang makita ni Casimero na dumudugo na si Sanchez, hindi na niya tinigilan ang pagpapakawala ng mga suntok.

Sinubukan ni Sanchez na gumanti subalit nahirapan siya sa atake ni Casimero.

Dahil dito, pumagitna ang referee, at nagdesisyon na itigil na ang laban sa nalalabing 2:41 mark sa unang round.

Ang panalo ni Casimero ay isang magandang pagbabalik niya sa boxing, na nagphinga matapos ang laban niya kay Yukinoti Oguni noong Oct. 2023 na nagtapos sa draw.

Dahil dito, nawala sa kanya ang WBO Global super bantamweight title dahil sa kawalan ng aktibidad, na nagbunsod sa mga tanong tungkol sa kanyang kapalaran sa nasabing larangan.

Sa kanyang panalo laban kay Sanchez, napabuti ni Casimero ang kanyang record sa 34-4-1, na may 23 knockouts.

Bumagsak naman si Sanchez, dating world title challenger sa 21-4 na may 12 knockouts matapos ang kanyang unang pagkatalo buhat noong 2021.