Naghihintay ang promotion kay Filipina boxer Nesthy Petecio sa Philippine Coast Guard para sa kanyang nakuhang bronze medal sa women’s 57-kilogram division sa 2024 Paris Olympics.

Si Petecio ay may ranggong Petty Officer Second Class sa PCG.

Sinabi ni Coast Guard Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan, sa kabila na hindi nakuha ni Petecio ang silver o gold medal, ang kanyang tagumpay ay isang malaking achievement para sa mga kabataan.

Dahil dito, magiging petty officer first class na si petecio, na ang katumbas ay staff sergeant sa Armed Forces of the Philippines.