Usap-usapan ngayon kung sino ang posibleng pumalit sa pumanaw na si Pope Francis kahapon sa edad na 88.
Ilang pangalan ang binanggit kasama si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.
Ang pagpili ng bagong Santo Papa ay isinasagawa sa paraan ng pagboto ng mga Cardinal sa isang closed-door na pagtitipon o conclave.
Narito ang mga kardinal na posibleng pagpilian na papalit kay Pope Francis
1.Cardinal Luis Antonio Gokim Tagle, 67, Filipino. Madalas siyang tawaging “Asian Francis” dahil sa kaniyang katulad na malasakit sa katarungang panlipunan. At kung siya ang mahahalal, siya ang magiging kauna-unahang Santo Papa mula sa Asya.
Mayroon siyang ilang dekadang karanasan sa pastoral na paglilingkod mula nang ma-ordinahan bilang pari noong 1982.
Kalaunan ay nagkaroon siya ng karanasan sa pamamahala, una bilang obispo ng Imus at pagkatapos ay bilang arsobispo ng Maynila.
Ginawa siyang kardinal ni Papa Benedicto noong 2012. Bilang bahagi ng nakikitang estratehiya ni Pope Francis na bigyan siya ng karanasan sa Vatican, inilipat siya mula Maynila noong 2019 at hinirang bilang pinuno ng sangay na namamahala sa misyon ng Simbahan na Dicastery for Evangelisation.
Nagmula siya sa tinatawag ng ilan na “Catholic lung ng Asya,” dahil ang Pilipinas ang may pinakamalaking populasyon ng Katoliko sa rehiyon. Bihasa siya sa pagsasalita ng Italyano at Ingles.
2.Cardinal nJean-Marc Aveline, 66-anyos, archbishop ng Marseille, French
3.Cardinal Peter Erdo, 72, Hungarian.
4.Cardinal Mario Grech, 68, secretary general ng Synod of Bishops, Maltese
5.Cardinal Juan Jose Omella, 79, Archbishop ng Barcelona, Spanish. Itinuturing siyang malapit sa puso ni Pope Francis.
6.Cardinal Pietro Parolin, 70, Italian, Vatican diplomat
7.Cardinal Joseph Tobin, 72, Archbishop ng Newark, N.J., American. noong 2016 at kalaunan ay hinirang bilang arsobispo ng Newark.
8.Cardinal Peter Kodwo Appiah Turkson, 76, Ghanaian, Vatican official.
9.Matteo Maria Zuppi, 69, Italian, Archbishop ng Bologna. Nang ma-promote si Zuppi noong 2015 at maging archbishop ng Bologna, binansagan siya ng mga mamamahayag na “Italian Bergoglio,” dahil sa kaniyang pagiging malapit kay Pope Francis, ang papa mula sa Argentina na ipinanganak bilang si Jorge Mario Bergoglio.