Hinatulan na makulong ng 30 taon ang isang Filipino cruise ship worker ng US District Court sa Florida dahil sa paggawa ng child pornography.

Sinentensiyahan si Arvin Joseph Mirasol, 34, dating stateroom attendant na nagsisilbi sa passenger cabins sa Symphony of the Seas ng Royal Caribbean ni US District Court Judge Melissa Damian.

Ayon sa US Attorney’s Office, Southern District of Florida, nag-record ng mga batang babae si Mirasol buhat nang magtrabaho siya sa cruise ship noong December 2023.

Nabisto ng cruise ship ang ginagagawa ni Mirasol noong Feb. 25 nang madiskubre ng isang guest na kasama ang dalawang anak na babae sa isang silid ang hidden camera.

Batay sa court documents, pumapasok si Mirasol sa mga silid habang naliligo ang mga guests, lihim na inilalagay ang camera sa ilalim ng kama at nire-record niya ang mga ito sa kanilang paglabas sa banyo.

-- ADVERTISEMENT --

Inaresto si Mirasol nang dumaong ang barko sa Port Everglades sa Fort Lauderdale, Florida, noong March 3.

Nakita sa electronics ni Mirasol ang maraming videos ng mga bata na walang mga suot na damit.

Ang focus ng videos ay sa maselang bahagi ng katawan ng mga bata

May isang video na nakita si Mirasol na inilagay mismo ang camera sa banyo ng isang guest.

Karamihan sa mga recordings ni Mirasol ay mga edad 7 hanggang 17.