Nakapasok sa finale ng “The Voice US” singing competition ang Filipino singer na si Sofronio Vasquez matapos ang kanyang napakagandang performance sa kanta ni Elvis Presley na “I Can Dream.”
Nagpapasalamat si Vasquez sa lahat ng kanyang mga kababayan sa buong mundo at maging sa America dahil sa ibinigay sa kanya na pagmamahal at suporta.
Kasabay nito, hinihingi niya ang patuloy na panalangin at suporta sa kanya sa huling pagboto sa susunod na linggo.
Kabilang si Vasquez sa team Michael Buble, na nakagawa ng dalawa sa limang finalists.
Kasama ni Vasquez sa finals ng “The Voice US” season 26 sina Danny Joseph at Sydney Sterlace.
-- ADVERTISEMENT --
Isasagawa ang finals ng “The Voice US” sa December 9 at 10.