TUGUEGARAO CITY- Isinasapinal na ng technical working group ang final draft Implementing Rules and Regulations ng Universal Healthcare Law

Kaugnay nito, sinabi ni Oscar Abaddu,Executive Vice President ng PHILHEALTH Region 2 at miembro ng TWR na sa sandaling matapos ang final draft ng IRR ay magsasagawa na sila ng konsultasyon sa mga stakeholders para ipaliwanag ang nasabing batas

Ipinaliwanag ni Abaddu na nakasaad sa batas na kailangan na magsagawa ng public consultation kung matatapos na ang IRR

Ayon sa kanya,kung mayroon silang makukuha na mga valid na suggestions at recommendations sa konsultasyon ay maaari nila itong ilagay sa IRR

Matatandaan na sinabi ni Abaddu na target nilang matapos ang IRR bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Hulyo sa halip na sa loob ng 180 matapos na lagdaan ng pangulo ang batas noong February 20,2019

-- ADVERTISEMENT --