TUGUEGARAO CITY- Kasalukuyan na ang pamimigay ng Department of Agriculture Region 2 ng P5, 000 na ayuda sa mga magsasaka na apektado ng covid-19 sa ilalim ng Social Ameloriation Program.
Kaugnay nito, sinabi ni Roberto Busania ng DA Region 2 na ang makakatanggap ng nasabing ayuda ay ang mga may sinasaka na .5 hectares pababa.
Sinabi ni Busania na ang mabibigyan lamang ng nasabing ayuda ay ang mga magsasaka sa Cagayan at Isabela.
Bukod dito, sinabi ni Busania na tuloy-tuloy din ang pamimigay nila ng financial assistance sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance na nagkakahalaga ng P5,000.
Subalit nilinaw ni Busania na ang nasabing financial assistance ay iba sa Social Amelioration Program.
Ayon sa kanya, ang nasabing ayuda ay nagsimula pa nitong nakalipas na taon na para sa mga may sinasaka na dalawang hectares pababa.
Sinabi niya na ito ay tulong sa mga magsasaka na apektado ng mababang presyo ng palay dahil sa Rice Tarrification Law.