TUGUEGARAO CITY- Sang-ayon si Fire Senior Inspector Franklin Tabingo, OIC fire marshall ng Bureau of Fire Protection sa Batanes sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aarmasan na rin ang mga BFP personnel para tumulong sa kampanya laban sa insurgency at kriminalidad.

Sinabi ni Tabingo na ito ay dahil mayroon ding investigation and intelligence functions ang BFP lalo na kung ang arson ang kaso tulad na lamang ng pagsunog sa mga vital installation ng gobyerno o mga equipment.

Ayon sa kanya, may banta din sa buhay ng mga BFP personnel sa ganitong mga sitwasyon.

Gayonman, sinabi ni Tabingo na kung maipatutupad man ito ay hindi lahat ng mga tauhan ng BFP ay kailangang armasan.

Bukod dito, sinabi niya na dapat na magkaroon ng bagong bataas para sa pagpapatupad nito, bukod sa executive order ng pangulo.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Tabingo

Kaugnay nito, sinabi ni Tabingo na walang katotohanan ang sinasabing walang ginagawa ang BFP dahil malimit lang naman ang mga nangyayaring sunog.

Ayon sa kanya, na mas epektibo ang BFP kung walang sunog dahil nangangahulugan ito na ginagawa nila ang kanilang mga mandato.

muli si Tabingo