Inihain ng isang kongresista ang isang panukalang batas na magpapataw ng death penalty sa pamamagitan ng firing squad sa mga public officials na mapapatunayan ng Supreme Court na nagkasala sa graft, corruption, malversation of public funds, at plunder.

Ang House Bill No. 11211, o ang “Death Penalty for Corruption Act,” ay inihain ni 2nd District Representative Khymer Adan Olaso.

Puntirya ng panukalang batas ang mga pampublikong opisyal mula pangulo hanggang sa pinakamababang opisyal sa barangay.

Ito ay para sa mga elected at appointed officials sa executive, legislative, at judicial branches, maging ang mga nasa constitutional commissions, government-owned and controlled corporations, at government entities, kabilang ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Nakasaad sa panukalang batas na kinikilala ng estado na ang korupsion ay nagpapahina sa public trust, democratic institutions, at ginagamit sa hindi tama ang resources na para sa national development.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, kailangan na ipataw ang pinakamabigat na parusa sa mga mapapatunayan upang mabawasan kung hindi man ganap na mawawala ang katiwalin sa pamahalaan.