Nagsagawa ng anti-illegal logging operation ang mga operatiba ng First Kalinga Provincial Mobile Force Company ng Kalinga police provincial office sa Barangay Magnao, Tabuk City, Kalinga.
Nagresulta ito ng pagkadiskubre ng mga nakatambak na iligal na tinistis na kahoy.
Nabatid na Agad naman na nakipag-ugnayan ang 1st kalinga provincial mobile force company sa PNP Tabuk at Community Environment and Natural Resources Office para sa mga kaukulang aksiyon.
Umaabot sa 14 na piraso ng iligal na tinistis na kahoy katumbas ng 91 board feet na nagkakahalaga ng mahigit sa limang libong piso ang nakumpiska.
Kaugnay nito, patuloy ang pagsisikap ng mga otoridad upang masawata ang mga nagsasagawa ng ilegal na pagtotroso sa lalawigan para mapangalagaan ang mga kagubutan.