
Sinimulan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Apayao ang paghahanda para sa pagho-host ng kauna-unahang Northern Luzon Rescuelympics na lalahukan ng humigit-kumulang 3,000 rescue personnel mula sa 15 lalawigan sa Region I, Region II, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Isinagawa ang unang coordination meeting noong Enero 27, 2026 sa bayan ng Luna upang talakayin ang paghahanda, logistics, at operasyonal na pangangailangan ng aktibidad na gaganapin mula Marso 16 hanggang 20, 2026 sa Dacao Dam, Pudtol, Apayao.
Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang rescue competitions tulad ng Amazing Race, Swift Water Rescue, at Sky Pilot Maneuvering, gayundin ang Governor’s Night at Tourism Day.
Patuloy ang paghahanda ng lalawigan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng nasabing regional event.
Layunin nito na mahasa ang kakayahan ng mga rescuer sa bahagi ng hilagang luzon at para mapalakas ang inter-regional operability para sa mas mabilis na pagtugon kung nangangailangan ng augmentation ang isang rehiyon sa panahon ng matinding kalamidad










