Nakumpiska ng mga operatiba ng PNP Maritime Unit ang aabot sa 46 sako ng uling na iligal na ibiniyahe ng isang fish dealer sa Alcala Public Market.
Kinialala ang suspek na si Joefrey dela Cruz, nasa tamang edad at residente sa bayan ng Gonzaga.
Ayon kay PCapt. Robin Guanga, chief inteligence and investigation ng Regional Maritime Unit 2, nakatanngap sila ng impormasyon sa umano’y van na may lulang sako-sakong uling na kahoy mula sa San Mariano, Lal-lo na dadalhin sa palengke ng Alcala.
Sa follow-up operation ay naaktuhan ang suspek na nagdidiskarga ng mga uling mula sa kanyang van na wala umanong kaukulang dokumento.
Sa ngayon ay nakasuhan na ang suspek sa paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.
Muli namang ipinaalala ni Guanga na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbiyahe ng uling na kahoy at iba pang forest products nang walang kaukulang permit mula sa Deparment of Environment and Natural Resources.