Nanawagan ang mga mangingisda sa lambak ng Cagayan sa gubyerno para sa pagkakaroon ng sariling fish feed mill upang makagawa ng kanilang sariling feeds sa mas mababang halaga.

Ayon kay Jaime Yosores, chairman ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) at miyembro ng Babuyan Channel Integrated FARMC na mabigat na pasanin sa kanilang miyembro ang mataas na presyo ng commercial feeds sa merkado.

Aniya, tanging mga feed traders at feed makers lamang ang nakikinabang sa industriya.

Bagamat may mga pagsasanay sa paggawa ng feeds ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region 2, sinabi ni Yosores na hindi naman ito nagagamit ng mga miyembro dahil sa kakulangan ng pasilidad.

Ang pagtatayo ng local fish feed mill ay makakatulong rin upang tumaas ang produksyon ng mga mangingisda na magpapababa sa presyo nito sa merkado.

-- ADVERTISEMENT --

with reports from Bombo Marvin Cangcang