TUGUEGARAO CITY-Huli sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng kapulisan ang isang high value target sa lungsod ng Tuguegarao, kaninang 6:10 ngayong gabi, Agosto 2, 2020.
Kinilala ang suspek na Ronald Butacan, 30-anyos, fish vendor at residente sa barangay Centro 10 dito sa lungsod.
Nahuli ang suspek sa pinagsanib na pwersa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod.
Nakuha mula kay Butacan ang 700 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P84,000.
Sa ngayon, hawak na ng PNP ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-- ADVERTISEMENT --