Aabot sa 6,000 kilos ng isdang malaga na kabilang sa isinailalim sa forced harvest ang naibenta ng Lokal na Pamahalaan ng Buguey, Cagayan bilang tulong sa mga mangingisda na naapektuhan sa bagyong Crising at Habagat.
Ayon kay Mayor Licerio Antiporda, napilitang anihin ng mga fish farmers ang mga isda na dapat sa susunod na buwan pa aanihin matapos maitala ang pagkamatay ng mga isda dahil sa pagdami ng fresh water dulot ng bagyo kung saan naapektuhan ang salinity levels ng baybaying dagat.
Sinabi ni Antiporda na nasa kabuuang 10,000 kilos na isdang malaga ang naani mula sa 164 cages kahapon kung saan 4K kilo rito ay naibenta naman sa mga pribadong sector
Sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan, binili ng LGU-Buguey ng P200 kada kilo ang mga isda at ibinenta sa ibang lokal na pamahalaan na kanila namang ipinamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyo.