Away sa lupa ang isa sa mga tinitignang anggulo ng pulisya sa naganap na pamamaril ng riding-in-tandem sa isang retiradong pulis noong December 18 sa Barangay Caritan Centro, Tuguegarao City.

Ayon sa pulisya, patuloy nilang iniimbestigahan ang posibleng nakaalitan ng biktimang si Ret. PCOL Cesar Domingo, 62-anyos dahil sa kanyang trabaho na buy and sell ng lupa.

Una rito, pinagbabaril ng maraming beses ng mga suspek na lulan ng motorsiklo ang biktima habang nakasakay sa kanyang sasakyan at malapit na sa kanyang bahay sa Campos St.

Samantala, naisumite na sa Crime Laboratory ng PNP ang CCTV footage na nakuha nang oras na pagbabarilin ang biktima para sa malaliman pang imbestigasyon.