TUGUEGARAO CITY- Flashflood umano ang nangyari sa bayan ng Baggao bunsod ng malalakas at walang tigil na buhos ng ulan na dala ng bagyong Maring sa naranasang pagbaha sa halos buong bayan.

Sinabi ni Mayor Joan Dunuan, rumagasa ang tubig-ulan mula sa mga kabundukan na pumasok naman sa mga kabahayan at nagbunsod din ng pag-apaw ng tubig mula sa ilog kaya binaha ang maraming mga tulay at mga kalsada.

Ayon sa kanya, madalas na ganito ang nararanasan ng Baggao sa tuwing may sama ng panahon lalo na ng pag-ulan dahil sa walang mga punongkahoy sa kanilang mga kabundukan na sasalo sana sa mga tubig-ulan at maiwasan ang mga flashflood at soil erosion.

Sinabi ni Dunuan na dahil dito ay pahirapan ang kanilang paghahatid ng kagyat na tulong sa mga apektadong mga pamilya.

Ayon sa kanya, 576 families na binubuo ng 1, 985 individuals ang nananatili sa mga evacuation centers.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na ang pinakamaraming may evacuees ay ang Brgy. Bunugan na may 89 families, 64 families naman sa San Francisco at 46 families sa Agaman Proper.

Sa ngayon, sinabi ni Dunuan na nagsasagawa pa lamang sila ng damage assessment sa sektor naman ng agrikultura.

Ayon sa kanya, marami sa mga sakahan ng palay, mais at mga gulay ang naapektuhan ng mga pagbaha.

Sa ngayon ay wala pa ring supply ng kuryente sa Baggao.