Agad humingi nang paumanhin ang isang flight ng British Airways mula London na papunta sana Germany sa mga pasahero nito nang lumanding sila sa Scotland dahil sa maling flight plan na ibinigay.
Inakala umano ng mga piloto at crew ng British Airways na papunta silang Edinburgh, Scotland dahil sa ibinigay na flight plan kung kaya’t doon sila naglanding
Sa pahayag ng isa sa mga pasahero,napansin na raw niyang may mali sa kanilang flight nang makita niya ang tanawin habang papalapag na ang kanilang eroplano.
Ayon sa pasahero,iba raw kasi ang itsura ng kapaligiran mula sa alam niyang itsura ng Germany ngunit inakala niyang nagkaroon lang sila ng sandaling detour.
Dahil dito, humingi nang paumanhin ang mga crew ng nasabing eroplano kasunod nang pagkakamali.