Aabot sa P6.8 million ang halaga ng nadikskubreng shabu ng isang mangingisda sa baybaying bahagi ng Pamplona, Cagayan.

Ayon kay PMSG.Amado Rivera Jr. imbestigador ng PNP Aparri nasa kalagitnaan ng pangingisda ang mangingisda na residente ng Brgy.Bisagu Aparri nang bigla na lamang itong makita ang isang plastic pack na palutang lutang at mayroong hinihinalang marka ng chinese.

Dahil sa kagustuhan nito nitong tignan ang nilalaman ng nasabing plastic na inakala pa niyang may laman na bihon ay agaran niya itong kinuha at binuksan.

Dito na napag alaman na maaring shabu ang laman nito dahil sa marka ng chinese kung kaya’t agad itong umuwi at nireport ang kanyang nadiskubre sa kanilang kapitan at agad naman itong itinawag sa mga kapulisan.

Dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang isang kilo para sa kaukulang examination at lumabas sa resulta na positibo ito sa shabu na nagkakahalaga ng nasa P6.8 million

-- ADVERTISEMENT --