Nakibahagi ang mga biktima ng pagbaha sa taunang bloodletting activity ng Bombo Radyo Philippines.

Ayon kay Ginang Edna Asuncion ng Solana, Cagayan na kahit na abala siya sa pagsasaayos sa iniwang pinsala ng mga nagdaang bagyo sa lalawigan, isiningit pa rin niya ang makibahagi sa Dugong Bombo 2024.

Inihayag ni asuncion na ito ang tamang pagkakataon na magdonate ng dugo dahil sunud sunod ang kalamidad na naranasan at marami ang nangangailangan.

Lumiban naman sa kanyang trabaho bilang construction worker si Romeo Guarin ng Amulung para makapag-donate ng dugo.

Ito aniya ang nakikita niyang paraan para makatulong siya sa kaniyang kapwa dahil wala siyang maibigay sa pinansiyal na aspeto.

-- ADVERTISEMENT --

Nakibahagi rin ang Grupo ng samahang Ilocano kung saan sinabi ni Christian Paulasa na isa ang pagdodonate ng dugo sa nakagawian ng kanilang samahan.

Samantala, pinuri naman ni Gerwin Espejo ng Philippine Red Cross Cagayan ang bloodletting activity ng Bombo Radyo.

Ayon sa kaniya na timing ang pagsasagawa ng Dugong Bombo activity dahil sa magkakasunod na kalamidad na naranasan dito sa Cagayan kung saan pahirapan ang mag-encourage ng magdonate ng dugo.