Pinahinto pansamantala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon ng Pilipinas Space Aviation Academy Inc. matapos masangkot ang isa sa kanilang eroplano sa isang aksidente kaninang umaga.

Ayon sa CAAP, ang Cessna training aircraft na may registration number RP-C8595, na nag-ooperate sa ilalim ng naturang flying school, ay nag-crash landing sa Brgy. Libsong sa Lingayen, Pangasinan bandang 8:01 ng umaga.

Dalawa ang nasawi sa insidente, kabilang ang isang piloto at isang student-pilot na parehong isinugod sa ospital ngunit pumanaw din sa kalaunan.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng pormal na imbestigasyon ang mga awtoridad upang tuklasin ang sanhi ng aksidente, habang ang flying school ay naghihintay din ng resulta ng imbestigasyon.

Tiniyak naman ng CAAP na magbibigay sila ng mga update kapag natapos na ang imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --