Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga evacuees sa bayan ng Alcala, Cagayan kung patuloy na tataas ang lebel ng tubig sa cagayan river.
Ayon kay Herome Ibarra, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng alcala,
sa ngayon ay nasa 59 families o 163 individuals na ang nag evacuate.
Sa nasabing bilang aniya ay apat na barangay ang nag paevacuate partikular na sa Bgry.Tamban, Brgy.Dalawig, Brgy.Damurug at Pagbangkeruan.
Aniya, sakaling tumaas pa ang cagayan river ay magsasagawa na sila ng force evacuation sa mga hindi pa nakakaalis sa kanilang tahanan na posibleng pasukin ng baha.
Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang monitoring sa water level sa cagayan river partikular na sa Tupang Bangkero Water Level Monitoring System