
Nagpatupad ng force evacuation ang Lungsod ng Tuguegarao dahil sa pag-apaw ng ilog na dulot ng pag-uulan bunsod ng shearline.
Sa inisyal na datos, umabot sa 31 katao ang sapilitang inilikas sa Annafunan East Integrated School sa tulong ng Coast Guard District North Eastern Luzon ngayong November 26, 2025.
Nagsagawa rin ng force evacuation ang mga kawani ng Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Police Provincial Office sa mga residente ng Riverside, Centro 10, Tuguegarao City upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa nasabing barangay dahil kabilang ito sa mga madalas bahain na lugar sa lungsod.
Nagpapatuloy ang isinasagawang paglikas sa mga residente sa mababang lugar.
Una rito, ipinag-utos ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que ang force evacuation dahil sa mabilis na pagtaas ng antas ng tubig mula sa ilog
Kaninang 04:00 PM ay pumalo na sa 9.8 METERS ang lebel ng tubig sa buntun monitoring station.
Samantala, kanselado na rin pasok sa paaralan at trabaho sa gubyerno sa Lungsod at ang nakatakdang KADIWA NG PANGULO sa Nobyembre 27–28,2025, dahil sa nararanasang sama ng panahon at pagbaha.
Pinayuhan ang mga mamamayan na antabayanan ang susunod na anunsiyo para sa kaligtasan ng lahat.










