
Bumaba sa dalawang buwang pinakamababang antas ang foreign direct investment o FDI inflows sa Pilipinas noong Marso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ipinakita ng datos ng BSP na umabot sa 611 milyong dolyar ang net FDI inflows sa buwan, mas mababa kumpara sa mga naunang buwan ngunit mas mataas pa rin ng 26.1 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa unang tatlong buwan ng 2026, umabot sa 1.7 bilyong dolyar ang kabuuang net FDI inflows, mas mababa ng 17 porsyento kumpara sa unang quarter ng 2025.
Ayon sa BSP at mga ekonomista, naging mas maingat ang mga dayuhang mamumuhunan dahil sa patuloy na kawalang-katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya, kabilang ang tensyon sa Gitnang Silangan. Gayunman, nananatili umanong matatag ang kumpiyansa ng mga investor sa Pilipinas.
Samantala, tumaas ng 62.1 porsyento ang net equity capital inflows o mga bagong direktang pamumuhunan, na umabot sa 166 milyong dolyar noong Marso.
Target ng Bangko Sentral na makapagtala ng 7.5 bilyong dolyar na net FDI inflows para sa buong taon ng 2026.




