Tumaas ng 52.3% ang foreign investment commitments na inaprubahan ng mga investment promotion agencies sa unang quarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Umabot sa P42.64 bilyon ang kabuuang pledges, mas mataas kumpara sa P27.99 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa PSA, pito sa 15 investment promotion agencies ang nag-ulat ng approvals, kabilang ang Board of Investments, Philippine Economic Zone Authority, at Bases Conversion and Development Authority.

Nanguna ang South Korea bilang source ng investments na may 59.5% o katumbas ng P25.37 bilyon ng kabuuan.