Pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang foreman ng isang construction company ng isa sa kanyang manggagawa dahil umano sa selos sa Compostela, northern Cebu kaninang 2:00 a.m.

Kinilala ang biktima na si Rodel Bejoc Solomo, 44-anyos, residente ng Brgy. Cantumog, Carmen, Cebu.

Nasa Compostela ang biktima dahil may ginagawa silang proyekto doon.

Nakita ang wala ng buhay na biktima sa madamong daan sa Brgy. Dap-dap, Compostela na may mga taga sa kanyang leeg.

Batay sa initial investigation, nakipag-inuman ang biktima sa ilang construction workers sa isang tindahan nang gabi bago ang pananaga sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --

Pagkatapos ng inuman, umalis na siya sa lugar para sunduin ang isang babae, na kinilalang si “Jesil.”

Nang makarating siya sa madilim na bahagi ng lugar malapit sa isang tulay, inatake siya ng isang lalaki na may hawak na bolo.

Unang tinaga ng suspek ang leeg ng biktima, at sumunod sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan nang matumba siya.

Dead on the spot ang biktima dahil sa matinding taga sa kanyang leeg.

Sa imbestigasyon, nakita ng mga pulis ang isang pares ng tsinelas na iniwan ng suspek sa crime scene.

Kinilala naman ng isa sa kasama ng biktima na si Julito Morales Camanse ang may-ari ng tsinelas.

Isa si Camanse, 43-anyos ay isa sa contrcution worker na ginagawa ng biktima.

Nahuli ng mga awtoridad ang suspek sa kanyang bayan sa Danao City kaninang 6:00 a.m.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek ang krimen at sinabi niya na ginawa niya ito dahil sa umano sa selos, dahil ang biktima ay may relasyon umano sa kanyang asawa.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek ngayong araw na ito.