TUGUEGARAO CITY – Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)ang pamamahagi ng Social Amelioration Program o SAP form sa mga local government unit (LGU) kapag naayos na ang mga guidelines.

Ito ay isang programa ng gobyerno na layong bigyan ng ayuda o tulong ang mga labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa Covid-19.

Ayon kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD-Region 2, ang mga LGUs ang magbibigay ng SAP form sa mga kabahayaan para makita kung sino ang mga nararapat na benipisaryo na kabilang sa mga mahihirap na sektor.

Aniya,matapos ang filing sa SAP-form , ang MSWDO 0 municipal social welfare and development office naman ang gagawa ng validation sa mga benipisaryo bago muling ibigay sa DSWD office ang naturang form.

Sinabi ni Trinidad na matapos ang validation, ibibigay na ang form sa kanilang central office kung saan ito ang magiging basehan sa pagbibigay ng pondo para sa naturang programa.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ni Trinidad, kapag naibaba na ang pondo sa DSWD- field office magkakaroon ng memorandum of agreement ang LGU at dswd para malaman ang mga rules at responsibilities ng bawat isa sa pamimigay ng ayuda.

Mismong ang LGU katuwang ang kapulisan ang mag-aabot ng tulong sa mga benipisaryo para matiyak na matatanggap ang ayuda at para mapanatili pa rin ang social distancing.