Gumugulong na ang kaso ng mga indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng mga peke at unregistered pesticides at abono sa Lambak Cagayan.

Ayon kay Leonardo Bangad, regional manager ng Fertilizer and Pesticides Authority (FPA) Cagayan Valley, seryoso sila sa paghabol at pagpapanagot sa mga sangkot sa pamemeke at mga nagbebenta ng mga hindi rehistradong mga produkto.

Malaking tulong aniya dito ang mga reklamo ng mga magsasaka tulad ng kakaibang kulay, ibang packaging at hindi epektibong abono at pestisidiyo.

Ayon pa sa kanya, regular rin ang kanilang monitoring sa mga produkto para matiyak na mga lehitimong pesticides at fertilizers ang mga ibinebenta sa mga tindahan, gayundin ang mga bodega ng mga manufacturer kung tama ang kanilang pag iimbak dito.

Paalala rin niya sa mga magsasaka na huwag basta bumili sa mga basta bumibili sa pumupuntang ahente sa barangay lalo na kung hindi sila liscenced distributor at kung sa murang halaga ibinebenta ang mga produkto.

-- ADVERTISEMENT --

Ang sinumang mahuhuling namemeke at nagbebenta ng mga nasabing produkto ay maaaring makulong at magmulta ng P5,000 hanggang P50,000, depende sa bigat ng paglabag.