Kinumpirma ng International Criminal Court Registry na nasa ilalim ng cell monitoring si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa kanyang edad at ilang iniindang karamdaman habang nakadetine sa The Hague.

Ayon sa ICC, kabilang si Duterte sa mga “elderly detained person” na may mas mataas na panganib na madapa o mawalan ng balanse.

Gayunman, sinabi ng tribunal na wala namang naitalang insidente ng pagkahulog sa nakalipas na 30 araw.

Nagpatupad din umano ng mga pagbabago sa loob ng kanyang selda at visiting rooms upang mas maging ligtas at komportable ang kanyang paggalaw.

Kabilang dito ang ergonomic adjustments at pag-aayos ng mga gamit sa loob ng pasilidad.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ng ICC Registry, patuloy na mino-monitor ang kalagayan ni Duterte at nananatiling available sa kanyang defense team ang kanyang medical records habang sumasailalim siya sa pagdinig kaugnay ng kasong crimes against humanity.