Hindi na umaasa si Vice President Sara Duterte na makakamtan pa ang hustisya para sa kaniyang ama na si dating Pangulo Rodrigo Duterte, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Sa isang panayam, sinabi ni VP Sara na hindi na niya nakikita na magkakaroon pa ng tamang proseso at hustisya sa kaso ng kaniyang ama dahil sa hindi umano’y ginawang extraordinary rendition ng administrasyong Marcos.
Hiniling din ng Bise Presidente na sana hindi na mangyari ito sa iba pang mga Pilipino.
Ito rin ang dahilan kung bakit nagsasagawa ng mga pagdinig sa Senado tungkol sa proseso ng pagkakaaresto kay FPRRD, upang makabuo ng mga patakaran at batas na makakaiwas sa ganitong mga sitwasyon sa hinaharap.